d best to…

December 12, 2008

i’m back, gosh sa tagal kong hindi nag post nakalimutan ko na ung last post ko at akalain nyo pati ung username at password ko dito mukhang makapal na amag dahil sa tagal nakalimutan ko na din.

well masyado ko na inlove dun sa movie na napanood ko, para kong kumerengkeng na naman na parang high school. ewan ko ba kakakilig talaga ung story and take note kahit hindi cute ung bidang lalake nakaka inlove ung character nya.. shit kaw ba naman sabihan ng “your smeel is like a drug to me” tapos “i become very protective to you”, “u dont know how long i’ve waited for you” and last “i dont have strenght 2 go far from u”. last movie na talagang nagustuhan ko un pang “mrs winterbourn” halers high school pa yata me nun.

but this movie is the best,4 thumps up ako(kasama ung hinlalaki ko sa paa) puera kalyo… well 2x ko na sya napanood sa sine, then bumili pa ko vcd na almost 2x ko na din napanood and take note hindi me talaga nagsasawa at paulit ulit me na iinlove sa movie na ito at nag aaya pa mga kasama ko na manood nito at 100% sasama ulit ako.. hindi naman ako masyado na addict sa movie na ito. na feel ko lang na everytime na napapanood ko to talagang feeling ko high school pa me… wahaha.. i’m inlove with edward cullin ng “TWILIGHT”. masyado ngalang me nabitin sa story sana ginawa man lang kahit 4 hours or 5 hours man lang, puede naman da b? kasi ung “TITANIC” 5 hours un tapos 4months pa nag stay sa mga sinehan. shit!! i’m longing for part 2 ng “TWILIGHT” . . . I LOVE THIS MOVIE

fantasy… pantasya… illusyonada…

totoo naman di ba?

November 26, 2008

grabe nahirapan ako mag migrate dito sa wordpress. madali lang naman ang processing kaso lagi na dedenied. sabinga nila “magtiyaga ka lang”. kaya naman here i am na , hindi ko lam kung what magiging life ko here.. masyado kasi ako nag eenjoy kababasa ng blog ng may blog at hindi ko na napapansin ang oras, kaya naman po sabi nga ni jorge “inaamag na” , tsk.. buti nalang wala pang kabuti na tumutubo…

i want to share a story

and the story goes something like this;

juan: “nay gala po tau”

nanay: naku anak sa ibang araw nalang, malapit na exam nyo, eto baon mo at baka mahuli pa ako.

anak: “tay anong oras po kau uuwi? gusto ko sana maglibot tau nila nanay”

tatay: kelangan ko mag overtime, ano ba gusto mong pasalubong?

maalalahanin at spoiled sa anak ang mga magulag ni juan. kaya naman lahat ng gustuhin ni juan kanilang naibibigay. halos hindi na nga lang sila magkita sa bahay dahil kalimitan pag gising ni juan sa umaga wala na ang kanyang mga magulang at nakahanda na lahat ng kailangan nya sa pag pasok pakain, baong pera at kung anu ano pa. pag uwi naman ng kanyang mga magulang tulog na si juan. isang umaga.

juan: “nay kelan po tau gagala birthday nyo na po sa isang lingo”

nanay: naku juan gastos lang un, ang importante makatapos ka ng pag aaral mo at ng makatulong ka sa amin. o eto pang bayad mo sa tuition at pambili mo ng project”

tatay: oo nga naman anak.. cge dagdagan ko nalang ang baon mo, cge pasok na kami

lulugo lugo na pumasok si juan, naisip nya na masyado nagtitipid ang kanyang mga magulang upang sya ay makapag tapos. kung kaya naman kahit may kalayuan ang kanyang iskuwelahan, tinatiyaga nyang maglakad papasok at pauwi

sumunod na araw. maaga nagising si juan. sinadya nya talaga upang makausap ang kanyang mga magulang:

juan: gud morning nay, tay… happy birthday po nanay…

sabay halik sa kanyang ina..

nanay: thank you anak, o sya cge pasok na kami, nakahanda na pagkain u dyan

juan: nay, tay puede po bang magtanong?

tatay: oo ano un?

juan: magkano po ang sahod nyo araw araw?

nanay: bakit?

juan : magkano nga po?

tatay: tama lang sa pang araw araw natin na gastos at pagpapaaral sau.

juan: sapat na po ba ito o kulang pa

sabay abot ng alkansya nya…

juan: nay, tay. sa kagustuhan ko po na makasama kau kahit isang araw lang, lahat po ng binibigay nyo hindi ko ginastos.. kahit ngaun lang po na kaarawan ni nanay magkasama sama tau..

at tuluyan ng napaiyak ang mag asawa at pinagbigyan ang kahilingan ng kanilang anak.. sobrang natuwa si juan..

lesson: hindi lahat ng bagay kayang pantayan ng pera at hindi sa material na bagay nakukuha ang kaligayahan.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.